50

Sep 30, 2021 @ 17:56
By

Patrimonio, Arci, Alma, Teri umanib sa Lakas-CMD

Nanumpa bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ngayong Huwebes ang basketball legend na si Alvin Patrimonio.

Personal na pumunta si Patrimonio sa tanggapan ni Lakas-CMD president at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa Kamara de Representantes upang manumpa.

Si Patrimonio ay tatakbo sa pagka-alkalde ng Cainta, Rizal.

Nagsumite naman ng kani-kanilang oath of membership ang mga aktres na sina Arci Muñoz, at Alma Moreno.

Si Muñoz ay tatakbo sa pagkakonsehal ng Cainta kasama sina Gian Carlo Cruz, Romina Cassandra Valencia na nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD.

Si Moreno ay tatakbo sa pagka-konsehal ng Parañaque City.

Nanumpa naman ang komedyanteng si Teri Onor sa pamamagitan ng Zoom. Siya ay tatakbong vice mayor ng Abucay, Bataan na dati na nitong posisyon.

“We consider these dedicated public servants as assets of Lakas-CMD. Their decision to join the party is not just a proof of their confidence in us but also of the party’s clean and efficient record of public service,” sabi ni Romualdez.

Marami ring pulitiko mula sa Bataan, Cotabato, Sarangani, at Cavite ang nanumpa sa Lakas-CMD sa pamamagitan ng Zoom ngayong araw.

“We are equally grateful for our new members from Cainta, Parañaque City, Abucay and Samal in Bataan, and Cotabato, Sarangani and Cavite provinces who also took their oath. We expect to get more support in the coming months as we grow our force for the crucial May 2022 elections,” wika pa ni Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?