41

Feb 27, 2021 @ 16:49
By

Patrick Garcia, Nikka magkaka-junior na!

Sa wakas ay magkakaroon na ng baby boy ang mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez.

Sa YouTube channel na Garcia Family, nag-gender reveal sina Patrick at Nikka ng kanilang Baby No. 4 noong Feb. 26.

Bago ang announcement ay sinabi ni Patrick na hindi big deal sa kanya kung girl man o boy ang susunod na anak nila ni Nikka at aniya, “Basta bigay ni Lord, I’ll be super, super happy.”

May tatlo nang anak na babae ang dalawa na sina: Michelle Celeste “Chelsea” na pinanganak noong 2012, Nicola Patrice (2016) at Francisca Pia (2017).

Bago maikasal kay Nikka, mayroon nang anak ang aktor kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, na ipinanganak noong August 16, 2008.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?