62

Jan 11, 2021 @ 19:14
By

Patrick Garcia, misis magkaka-Baby No. 4 na!

Madaragdagan ang supling nina Patrick Garcia at Nikka Martinez.

Ibinalita ng mag-asawa sa bagong vlog na may title na “Another Blessing!” ang paparating nilang ikaapat na anak.

“Yes, we are pregnant with Baby No. 4,” ani Nikka.

Sey ni Nikka, medyo challenging ang pagbubuntis niya ngayon.

“Actually compared to the rest parang iba ‘yung nausea ko rito. I’m a little bit challenged but I know that as I go further into my pregnancy it will get better,” aniya.


Ikinasal sina Patrick at Nikka noong March 2015.

Mayroon na silang tatlong anak: sina Michelle Celeste (7), Nicole Patrice (4) at Francisca Pia (2).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?