53

By

Patricia Javier nabiktima ng basag-kotse gang sa Antipolo

Sharing is caring!

Basag ang likurang bintana ng SUV ng artistang si Patricia Javier matapos biktimahin ng gumagalang basag kotse gang at pagnakawan ng mga mamahaling alahas at gamit habang nakaparada sa isang restaurant sa Masinag, Antipolo, kamakalawa ng gabi.

Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Antipolo Police para sa agarang pagdakip sa mga bumibiktima ng magagarang sasakyan habang sinusuri pa ang nakalagay na CCTV camera sa harap ng restaurant.

Ayon kay Javier, ipinarada niya ang kanyang van sa labas ng isang restaurant sa Barangay Masinag bandang 8:15 Linggo ng gabi dahil may ka-meeting nang marinig ang alarm nito.

“Sensitive kasi ang sasakyan ko. Akala ko nasagi lang. Tapos may nakita akong dalawang lalaking nakamotor sa tabi ng sasakyan, akala ko nasagi lang nila,” sabi ng aktres.

Nagulat ang aktres nang makita na bagsak ang likurang bahagi ng kanyang van at doon na nakita na nawawala ang kanyang Louis Vuiton bag na naglalaman ng kanyang wallet na mayroong mga ATM at credit card, kasama pa rito ang Diamond necklace na may initials na “PJ”, P300,000 halaga ng personal belongings at P10,000 cash.

Nananawagana naman ang aktres na “Sana ‘pag may nagbenta, itawag n’yo sa akin. Magkano man ibinenta, bibilhin ko.” Nais kasi ng aktres na mabawi ang nawalang alahas dahil sa sentimental value nito sa kanyang career. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?