13,555

By

Patok na handa ngayong Bagong Taon

Tiyak na abala na naman ang mga pamilyang Pilipino sa paghahanda para sa pagdiwang ng Bagong Taon dahil naging natural na sa atin ang naghahanda dahil nakasanayan na ito ay siyempre upang salubungin ang paparating na Bagong Taon 2018.

Lahat tayo ay sumasang-ayon sa pagdiriwang ng Bagong Taon, kahit anong relihiyon ay nagsasalo-salo ang bawat pamilya at nagkakasiyahan kasabay ng pagpapaputok bilang pagsalubong nito.

At siguradong patok na naman ang mga sumusunod na pagkain sa mesa ng mga Pinoy ngayong New Year.

ADOBO (Baboy, Baka, Itik, bawal ang Manok!)

Ang adobo ay isa sa pinagmamalaking putaheng Pinoy. Talagang nakasanayan na ang pagluluto nito ngunit tandaan lamang na bawal po ang paghahanda ng lutuing manok sa Bagong Taon. Ito ay dahil sa kasabihan ng mga Filipino-Chinese na lilipad daw ang suwerte dahil may pakpak ang manok.

PANSIT

Tinatawag itong pampahaba ng buhay. Kahit anong okasyon ay puwede ang pansit na talagang nakasanayan ng mga pamilyang Pilipino.

SPAGHETTI

Karaniwang pamalit sa pansit, kung may budget ang pamilya. Masasabing paborito ng mga bata maging ng mga matatanda.

BIKO AT MGA KAKANIN

Isa ang kakanin sa madalas na ihanda ng mga Pinoy. Ito ay dahil sa malagkit at magiging dikit-dikit daw ang relasyon ng bawat pamilya o talagang close ang bonding. Mayroon ding pamahiing mula sa mga Filipino-Chinese na ang mga pagkain ng malagkit na tulad ng mga kakanin ay pampasuwerte sa relasyon ng pamilya, dahil ito ay malagkit at magiging ganoon din daw ang bonding ng pamilya.

LECHON O CRISPY PATA, ETC.

Iba ang pakiramdam pag may lechon o crispy pata na handa sa mesa. Batay naman sa pag-aaral, ang mga naghahanda raw ng lechon ay ang medyo nakaluluwag sa buhay kaya afford nilang maghanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

INIHAW NA BANGUS, ISDA, BARBECUE AT IBA PA

Hindi rin ito mawawala sa mesa dahil sa madaling lutuin, at uling at pamaypay lamang ang kailangan.

LECHE FLAN

Patok sa panlasa ng Pinoy dahil sa sweetness ng gatas.

HALAYANG UBE

Kaya naman masarap ito ay dahil sa hirap naman sa paghahalo kaya isa pa ito sa swak sa panlasa ng pamilyang Pilipino.

SALAD (Fruit, Buko, Vegetable, Tuna, Macaroni)

Anuman ang ihandang salad ay iisa pa rin ang nangunguna sa panlasang Pinoy at ito ay ang buko salad na kadalasang hinahanap kapag dadalo sa handaan.

BILOG NA PRUTAS

Natural na sa pamahiin ng Pinoy ang paghahanda ng mga bilugang prutas na sumisimbolo sa suwerte sa buong taon. Mayroon tayong pamahiin na suwerte raw ang mga prutas na bilog dahil kahugis nito ang barya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?