298

Nov 22, 2021 @ 10:46
By

Pati si Vico! Dabarkads all-out para sa Lacson-Sotto

Tila nagsasama-sama na ang mga dabarkads para sumuporta sa tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto.

Sa larawang ibinahagi ni Joey de Leon sa Twitter ay makikita ang pagsasama-sama nila ng senate president, maging nina Vic Sotto, Ciara Sotto, at ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Bukod dito, si Ciara ay nakasuot ng face mask ng Lacson-Sotto tandem.

“Long time no see na nga kami pero nung magkita eh nakatakip pa mukha! Ngek! But it’s okay, stay safe everybody! Ang Poet Nyo is with Ciara, APT at yung bagong linya ni Julius Caesar—-‘VIC, VICO, VICE!’ Alam nyo na yun!” saad ni Joey sa kanyang post.

Kilala ang trio na Tito, Vic and Joey sa maraming pelikula at sa noontime show na Eat Bulaga, kung saan kasama ng iba pang mga cast ay tinawag silang dabarkads.

Una nang inihayag ni Joey na wala siyang ibang susuportahan sa pagkabise presidente kundi si Tito Sotto. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?