558

Oct 24, 2019 @ 12:08
By

Pati si Rico Yan dinamay! Mga netizen bwisit kay Claudine

Tingin ng mga netizen, wrong move na idawit pa ni Claudine Barretto ang pangalan ni Rico Yan sa kasagsagan ng away nilang magkakapatid.

Sa naging post ni Clau sa Instagram Miyerkoles ng umaga, makikita na nasa puntod siya ng dating ka-love team at dito umiyak at nagdasal sa one-minute video.

“Rico pls help me. take care of Daddy,” saad sa caption ni Claudine.

Ngunit hindi lahat ay natuwa sa nasabing post.

Para sa ilang netizen, mali umano na idawit pa ang pangalan ni Rico Yan, na matagal nang yumao noon pang 2002, at i-post pa sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?