89
manny-pacman-pacquiao
Jul 17, 2021 @ 17:08
By

Pati posisyon ni Pacquiao! 16 pwesto sa PDP-Laban binakante

Natuloy ang national assembly ng PDP-Laban ngayong Sabado kung saan idineklarang bakante ang 16 pwesto sa partido, kabilang na ang pwesto ni Senador Manny Pacquiao na party president.

Ngayon araw din inaasahan na pagbobotohan ang mga bagong opisyal ng partido, kung saan inaasahan din ang pagdating ni President Rodrigo Duterte.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, nasa 250 ang delegadong boboto sa mga bagong uupo sa pwesto.

Natuloy ang assembly kahit pa naunang sinabi ni Pacquiao, maging ni Senador Koko Pimentel na unauthorized ito.

Nabakante ang pwesto ni Pacquiao kahit pa pitong buwan pa lamang itong presidente. Sa ilalim umano ng konstitusyon ng PDP-Laban ay dalawang taon ang termino ng presidente.

Gayunpaman, sinabi ng ilang opisyal ng partido na sinalo ni Pacquiao ang termino ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?