131

Sep 14, 2021 @ 11:21
By

Pati edad pineke! Bongbong feeling nasa 40s

Maging ang edad ni Bongbong Marcos ay pawang kasinungalingan din.

Ito ang sinabi ng mga netizen matapos mapunang 46 ang edad na sinabi ng dating senador na dapat ay 64.

Nito lamang kasing Lunes nang ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng inyong pagbati sa aking 46th birthday! Sobra pong nakakataba ng puso,” tweet niya.

Kung hahanapin sa Internet, makikitang isinilang si BBM noong Setyembre 13, 1957.

Kung susumahin, 64 anyos na siya ngayon.

Dahil dito, todo ratrat ang mga netizen at sinabing kahit edad ay hindi nito pinalampas sa pamemeke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?