10

Feb 22, 2021 @ 20:32
By

Pateros Mayor Ponce patuturok ng Sinovac vaccine

Handang unang magpaturok ng kontrobersyal na Sinovac vaccine si Pateros Mayor Ike Ponce.

Ayon sa alkalde, kumpiyansa siya na magiging ligtas ang naturang bakuna sa oras na mabigyan ito ng emergency use authority ng Food and Drug Administration.

“Ako ay nagpo-promote maigi ng Sinovac kasi sinasabi namin ni Sec. Charlie [Galvez] sa amin, talagang mayroong darating na Sinovac,” lahad ni Ponce.

“Kasi mayroon akong allergy, una akong magpapabakuna sa aming bayan ‘pag dumating, Sinovac ang gagamitin ko,” aniya pa.

Aniya pa, ang ibang Pangulo ng ibang bansa sa Asya ay Sinovac ang ginamit na bakuna laban sa COVID-19.

“Kung sila ay presidente, wala naman siguro akong dapat ikatakot na ako’y mayor lamang ng maliit na bayan,” paliwanag ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?