10

Feb 22, 2021 @ 20:35
By

Pateros handa na sa pagdating ng COVID bakuna

Preparado na ang munisipalidad ng Pateros sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nakahanda na ang kanilang lugar para sa vaccine rollout.

“Actually prepared na kami sa pagbabakuna,” lahad ni Ponce.

Aniya, target nila na inisyal na mabakunahan ay 52,000 residente, at nakapag-order na rin sila ng 20,000 dose ng AstraZeneca.

May nakaantabay na rin silang walong refrigerator at 12 cold storage carrier na hinanda ng Department of Health (DOH).

Para naman sa mga bakuna na kailangan ng malamig na temperatura tulad ng Moderna at AstraZeneca, pumirma na ang pamahalaang lokal ng Pateros ng memorandum of agreement sa Orca Solutions.

“Ang nakikita naming kayang i-accomplish conservatively at hindi naman nagmamadali, kaya namin 1,000 a day [na mabakunahan],” saad ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?