15

Sep 8, 2021 @ 17:38
By

Pateros binuksan rehistro para maturukan kabataan

Binuksan ng munisipalidad ng Pateros ngayong Miyerkoles ang pagpaparehistro sa mga edad 12 hanggang 17 para sa COVID vaccine.

Ito ay kahit wala pang petsa para sa pagbabakuna ng naturang age group.

“We are fixing their registration although the vaccination has not started and we cannot say when their vaccination will start because we are still waiting for the delivery of the vaccines,” pahayag ni Pateros Mayor Ike Ponce III.

Sa Facebook page ng Pateros municipal government makikita ang QR code na gagamitin ng mga kabataan sa pagpaparehistro.

Nalampasan na ng nasabing lugar ang pagbabakuna sa 100% ng kanilang target population para sa first dose, habang nasa 70% na sila ng kanilang target sa second dose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?