8

By

Patayan, resulta ng mahinang law enforcement – solon

Sharing is caring!

Isinisisi ni Deputy Minority Leader at Makati City Rep. Luis Campos sa problema sa pagpapatupad ng batas ang sunud-sunod na pagpatay mula sa mga pari, media practitioners, local officials at iba pa.

Ginawa ng kongresista ang pahayag kasunod na rin ng insidente ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kahapon.

Ayon kay Campos, mahina ang law enforcement sa Pilipinas kaya laganap ang krimen.

“All these killings in recent weeks — of local officials, priests, and of media practitioners — constitute a grave law enforcement problem,” sabi ni Campos.

Iginiit ng mambabatas na ang tanging paraan para matigil ang assassination ay ang pagtugis, paghuli at pagpapakulong sa mga nasa likod nito.

Kung magiging masigasig lamang anya ang mga otoridad sa pagpapanagot sa mga sangkot sa pagpatay ay mapipigilan ang mga kriminal lalo na ang mga guns-for-hire na paulit-ulit na mambiktima.

“The only way to stop these killings is for the authorities to swiftly apprehend, prosecute and put the perpetrators behind bars. This is also the only way we can deter other would-be assailants, including guns-for-hire,” ani Campos. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?