164

Nov 5, 2017 @ 18:17

Patayan magpapatuloy sa Duterte administration – Tindig Pilipinas

Hindi natigil ang pamamaslang sa drug suspects kahit isinalin na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa giyera laban sa ilegal na droga.

Sinabi ito ni Karina David, convenor ng maka-oposisyon na Tindig Pilipinas at dating chairperson ng Civil Service Commission (CSC).

“Kasi yung polisiya ay drug war, inilipat lang mula PNP tungo sa PDEA. Meron pa ring patayan mula nung inilipat sa PDEA,” ayon kay David.

Noong Oktubre 10, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang memorandum na nag-aatas sa PDEA bilang tanging ahensya na magsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

Matapos nito, sinabi ni David na bukod sa may mga patayan pa, walang kaso ng pagpaslang sa drug suspect ang seryosog inimbestigahan maliban sa nangyari kay Kian delos Santos, ang grade 11 student sa Caloocan City na pinatya umano ng mga pulis.

“Parang hindi kapani-paniwala na pagkatapos ng isang tao’t kalahati, lahat ng libo-libong pinatay ay under investigation. At ano po ba ang polisiya? Ang polisiya ba ay dalhin sa Nueva Ecija ang higit 10,000? “ ani David.

Tinutukoy nito ang malaking drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija kung saan kasya ang 5,000 pasyente. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?