48

Mar 19, 2018 @ 12:08
By

Patay sa sunog sa Manila Pavilion, 6 na

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino.

Ito’y matapos marekober kanina ang dalawa pang bangkay na pinaniniwalaang kawani ng nasabing hotel.

Walang pagkikilanlan dalawang bagong biktima.

Samantala, isinapubliko na ng Manila Police District ang pangalan ng mga nasugatan sa sunog.

Ayon kay MPD Spokesman Sr. Supt. Erwin Margarejo, ang mga biktima na nagtamo ng sugat, galos at pagkahilo sanhi ng suffocation o nahirapan huminga ay kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa Manila Doctors Hospital.

Kabilang sa mga ito sina:

1.Cres, Tobias Tamondong – hotel employee

2.Antipala, Randy – hotel employee

3.Sebastian, Angelica Joyce Mercado – hotel trainee

4.Rodil, Mary Joyce – hotel trainee

5.Foo,Sheryl Hui Nin- guest

6.Yano, Takahiro

7. Gaos, Sahria

8.Castandiello, Marco Blanca-Fireman

9.Kim,Ae Kyeong-Absconded

10.Cruz, Jennifer

11.Sta. Rita, Leced

12.Tuideo, Pio – onstruction worker

13.Tebelin, Rey – onstruction worker

Una nang iniulat ng MPD ang mga nasawi na pawang mga empleyado ng Manila Pavilion sina:

1. De Castro, Billy

2. Evangelista, Edilberto Braga

3. Omadto, Marilyn

4.Sabido, John Mark.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?