30

Oct 14, 2021 @ 11:40
By

6 hinihinalang kawatan utas sa shooutout sa Antipolo

Patay sa shootout ang anim na kelot na pinaniniwalaang mga magnanakaw sa Antipolo City.

Ayon sa ulat ng DZBB, naganap ang engkuwentro ng kapulisan at mga suspek sa Marcos Highway, Sitio Boso-Boso sa Barangay San Jose.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinubukang nakawan ng mga suspek ang isang gasolinahan sa Sitio Boso-Boso pasado ala-1 ng umaga kanina

Natyempuhan naman ng isang parak ang anim na magnanakaw at agad siyang pinapatukan ng mga ito na nagresulta sa habukan at shootout.

Kasalukuyang hindi pa natutukoy ng Scene Of the Crime Operatives ang pagkakakilanlan mg mga nasawi. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?