138

Feb 1, 2020 @ 15:30
By

Patay sa nCoV, pumalo na sa 259

Patuloy sa paglobo ang bilang ng nasawi dahil sa novel coronavirus.

Ayon sa mga Chinese official sa The New York Times nitong Sabado, nasa 259 na ang death toll sa virus habang 2,100 panibagong kaso ang naitala sa China kaya kabuuang 12,000 na ang kaso ng nCoV worldwide.

Nitong Sabado, umabot na sa 24 na bansa ang may kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Kinabibilangan ito ng Thailand, Japan, Hong Kong, Singapore, Taiwan, Australia, Malaysia, Macau, Russia, France, United States, South Korea, Germany, United Arab Emirates, Canada, Britain, Vietnam, Italy, India, Pilipinas, Nepal, Cambodia, Sri Lanka at Finland.

Ang mga pasyente namang may virus na hindi nanggaling sa China ay naitala sa Thailand, Taiwan, Germany, Vietnam, Japan, France at United States.

Samantala, wala pang naiulat na namatay nang dahil sa virus sa ibang bansa maliban sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?