7

Feb 5, 2021 @ 9:29
By

Patay sa COVID sa Spain 60K na

Tumalon na sa 60,802 katao ang ginupo ng coronavirus disease 2019 sa Espanya.

Ayon ito sa COVID-19 dashboard ng Johns Hopkins University-Center for Systems Science and Engineering, Biyernes ng umaga.

Samantala, ang dami naman ng nahawa sa coronavirus doon ay 2,913,425 na.

Habang 150,376 naman ang mga pasyente sa Spain na gumaling mula sa naturang nakahahawang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?