8

Aug 3, 2020 @ 17:06
By

Patay sa COVID sa PH, lumobo sa 2,104

Pumalo sa mahigit 2,000 ang ginupo ng coronavirus sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, pumatak sa 2,104 ang total death toll sa bansa matapos pumanaw ang 46 na pasyente nationwide.

Pababa ito kung ikukumpara sa naitala noong Abril at Hulyo.

Samantala, 65,821 na ang kabuuang nakarekober sa sakit habang 38,405 ang active case nitong August 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?