4

Feb 21, 2021 @ 16:22
By

Patay sa COVID sa PH akyat sa 12K

561,169 indibidwal na ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.

May panibagong 1,888 kaso kasing nadagdag ngayong Linggo, ayon sa Department of Health.

26,238 ang active case o iyong ginagamot pa sa virus.

Nakapagtala rin ng 9,737 gumaling na pasyente na nagpataas sa bilang ng mga nakarekober sa 522,843.

Samantala, dagdag ng DOH, pumalo sa 12,088 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 matapos 20 pang pasyente ang ginupo ng nasabing nakahahawang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?