24

Apr 21, 2021 @ 16:17
By

Patay sa COVID sa India sumirit sa pagkaubos ng oxygen

Mahigit 2,000 katao ang nasawi dahil sa coronavirus sa India sa loob lamang ng 24 oras matapos magkaubusan ng oxygen ang mga ospital.

Ayon sa Bangkok Post report, nasa second wave ng pandemya ang India, na isinisi sa maluwag na mga government rule at bagong “double mutant” virus variant.

Lumabas sa datos ng health ministry nitong Miyerkoles na 2,023 ang nasawi at 295,000 ang bagong kaso sa loob ng 24 oras, kabilang sa biggest daily case total sa mundo.

Dahil sa mga delay na bidding para sa oxygen generation plant ay napipilitan na umano ang mga kaanak ng pasyente na magbayad ng mahal sa black market para makabili ng oxygen.

“The situation was under control till a few weeks back, and then this second corona wave came like a storm,” pahayag ni Prime Minister Narendra Modi.

Sa ngayon, 15,616,130 ang COVID case sa India, kabilang ang 182,553 death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?