11

Sep 12, 2020 @ 14:39
By

Patay sa COVID-19 sa Brazil, pumalo sa 130,000

Lumobo sa mahigit 130,000 ang death toll mula sa coronavirus disease sa Brazil.

Batay sa datos ng John Hopkins University, pangatlo ang Brazil sa may pinakamataas na naitalang kaso ng virus sa mundo sa 4,282,164 habang 130,396 ang namatay sa kanilang bansa dahil sa COVID-19.

Nakapagtala naman ang Brazil ng 3,695,158 na nakarekober sa sakit.

Numero uno pa rin sa dami ng COVID-19 infections ang Amerika sa 6,444,821 gayundin sa death toll sa 193,013; pangalawa ang India sa 4,659,984 case at 77,472 na pumanaw sa virus.

As of Sept. 12, 28,482,608 na ang global case ng COVID-19; 915,393 ang namatay habang 19,215,966 ang nakarekober na worldwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?