217

Feb 3, 2020 @ 13:21
By

Patay sa coronavirus lampas na sa SARS

Umakyat na sa 361 ang bilang ng namatay sa novel coronavirus (nCoV).

Nalagpasan na nito ang death toll ng SARS outbreak noong 2002-2003 kung saan 349 na katao ang nasawi sa mainland China.

Umabot naman sa 17,200 nationwide ang kabuuang bilang ng infected ng virus, ayon sa National Health Commission nitong Lunes.

Batay sa tala ng komisyon, panibagong 57 na namatay nitong Lunes ay mula sa Hubei province.

Sa kasalukuyan ang mga bansang nakapagtala ng kaso ng nCoV ang India, Pilipinas, Spain, Russia, Sweden, UK, Italy, Finland, United Arab Emirates, Germany, Sri Lanka, Cambodia, Canada, Malaysia, Australia, Nepal, France, Vietnam, Singapore, Taiwan, US, Korea, Japan at Thailand, ayon sa pharmaceutical-technology.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?