61

Nov 1, 2018 @ 18:37
By

Patay sa bagyong ‘Rosita’ umabot na sa 17 – PNP

Mabilis ang naging pananalasa ng bagyong ‘Rosita’ sa bansa, ngunit ayon sa Philippine National Police (PNP) nakapagtala na sila ng 17 patay.

Sinabi ni Chief Supt. Benigno Durana, tagapagsalita ng PNP, sa landslide sa Natonin, Mt. Province, may 23 pang hinahanap at pinaniniwalaan na kasama ang mga ito sa natabunang dalawang gusali ng DPWH.

Tatlo sa mga nasawi sa trahedya ay nakilala na sina Benito Longan, Junjun laron at Joel Arevalo.

Sinabi pa ni Durana, sa 17 kumpirmadong nasawi; 13 sa Cordillera Region, dalawa sa Calabarzon at tig-isa sa Central Luzon at Cagayan Valley.

Aniya may isa pang hinahanap sa Cagayan na natangay ng flashflood at 11 naman ang nasugatan dahil sa bagyo.

May higit 10,000 katao pa ang nananatili sa mga evacuation center sa Northern Luzon at ilan sa kanila ay wala nang bahay na babalikan.

Tiniyak naman ni Durana na patuloy nilang binabantayan ang lahat ng evacuation center, na karamihan ay sa Ilocos at Cordillera Regions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?