65

Oct 15, 2019 @ 17:44
By

Patay sa bagyong Hagibis sa Japan, sumampa na sa halos 70

Tuloy pa rin sa paghahanap ng mga survivor ang mga rescuer sa Japan, ikatlong araw matapos manalasa ang super bagyong si “Hagibis”.

Ayon sa national broadcaster NHK report, paakyat na sa 70 ang death toll sa bagyo na nag-landfall noong Sabado ng gabi.

Samantala, dose-dosena pa umano ang nawawala.

Sa pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe, nasa 110,000 na pulis, coast guard, bumbero at militar na ang pinakalat para sa rescue operations.

Dagdag pa niya, mahigit 3,000 na katao na ang na-rescue habang 36 sa 47 prefectures ng Japan ang apektado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?