33
Sanggol patay matapos mahulog habang pinapasuso ng ina
Feb 5, 2020 @ 14:35
By

Patay na sanggol iniwan sa tulay sa Tuguegarao

Natagpuang wala nang buhay ang isang bagong silang na babaeng sanggol sa ilalim ng tulay sa Diversion Road, Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City, ayon sa Tuguegarao City Police Station (TCPS) noong Martes.

Ayon kay TCPS officer P/Lieutenant Isabelita Gano, natagpuan ang bangkay pasado ala-una ng hapon ng isang residente malapit sa Caritan Bridge sa nasabing barangay na nangingitim ang bibig at nakabalot sa plastic.

Sinabi ni Gano ang sanggol ay may 1 hanggang 5-day-old at posibleng kakasisilang lamang dahil malambot pa ang katawan at nakakabit pa ang umbilical cord nito.

Dinala ng TCPS ang sanggol sa simbahan at pinabasbasan bago inilibing sa sementeryo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman kung sino ang nagtapon ng bata sa ilalim ng nasabing tulay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?