2,152

Nov 21, 2021 @ 21:09
By

‘Patay’ na kelot, nadiskubreng buhay sa morgue

Matapos ang halos pitong oras na pagkakalagay sa freezer ng isang morgue ay napag-alamang buhay pa ang isang 40-anyos na lalaki sa India ilang sandali bago ito isailalim sa autopsy.

Ayon sa ulat ng New Indian Express, kinilala ang lalaking si Srikesh Kumar, na nabangga ng isang humaharurot na motor noong Huwebes at dinala sa pagamutan kung saan idineklara siyang patay.

Kinabukasan umano ay inilagay ang kanyang bangkay sa freezer ng isang morge.

Ngunit matapos humiling ang kanyang pamilya ng autopsy, napansin ng kanyang hipag na tila gumagalaw pa ang kanyang katawan.

“He’s not at all dead. How did this happen? Look, he wants to say something, he is breathing,” saad ng kanyang hipag.

Nang mapansin ngang buhay pa si Kumar, dinala ito sa pagamutan kung saan kasalukuyan siyang nagpapagaling.

Samantala, magsasampa umano ng kaso ang pamilya ng lalaki sa ospital dahil sa kapabayaan umano nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: