10

Jan 9, 2021 @ 17:37
By

Patay na balyena inanod sa Quezon

Inanod ang isang patay na balyena sa Bgy. Campo, Quezon kahapon, Enero 8.

Ayon sa ulat, namataan ng mga residente ang patay na balyena sa fish port ng naturang bayan.

Agad namang pinuntahan ng ilang miyembro ng kanilang lokal na pamahalaan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang bangkay ng balyena para suriin.

Nakilala ang uri ng balyena bilang isang Blainville’s beaked whale na may habang 4.3 metro at bigat na 600 kilos.

Kumuha ang mga eksperto ng sample tissue mula sa balyena upang masusing itong pag-aralan bago tuluyang ilibing.

Ito ang unang naitalang stranded marine mammal ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?