38

Dec 31, 2019 @ 11:56
By

Patay kay ‘Ursula’ lumobo sa 47 – NDRRMC

Umakyat sa 47 indibiduwal ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa nasabing bilang, lima ay mula sa Oriental Mindoro, dalawa sa Occidental Mindoro, lima sa Capiz, lima sa Aklan, 16 sa Iloilo, isa sa Cebu, isa sa Southern Leyte, lima sa Leyte, isa sa Biliran, lima sa Eastern Samar at isa sa Samar.

Nasa 143 katao naman ang sugatan habang siyam pa ang nawawala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.

Umabot naman sa 482,350 pamilya ang naapektuhan ni “Ursula” sa may 2,304 na barangay sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas at Caraga Region.

Nasa 378,312 na kabahayan ang nawasak habang mahigit sa P1 bilyong halaga ng farm products ang nasalanta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?