72

By

Patay binuhay sa Martin del Rosario serye

Sharing is caring!

MAY mga nagsasabing dapat galingan ni Martin del Rosario ang kanyang portrayal bilang si Barbs sa Cignal Cable series na Born Beautiful, ang spin-off ng pelikulang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros, dahil mas magaling daw umarte si Christian Bables, ang aktor na original na gumanap sa nasabing character.

Sabi naman ng isa sa producers ng Born Beautiful at better-half ni Direk Jun Lana na si Direk Perci Intalan, hindi matatawaran ang galing sa acting ni Martin, kaya hindi sila nagwo-worry.

“Honestly, wala naman akong narinig na ganoon. Saka URIAN awardee si Martin at marami na ring pelikulang pinagbidahan. Naka-work na namin siya sa isang pelikula kaya wala kaming question sa galing niya as an actor!

“Saka nag-work si Jun with Martin in developing his interpretation sa character ni Barbs.

Siyempre nandoon ‘yung endearing qualities at ‘yung puso ng character, pero siyempre ayaw naman ni Jun na ikahon si Martin, magaling na aktor eh, so, dapat ding bigyan siya ng chance na buhayin si Barbs on his own.

“Full support naman lahat ng team kay Martin, pati si Paolo Ballesteros nga nandoon noong mag-work sila ni Jun for his interpretation sa character ni Barbs, kaya wala namang problema.

Maganda ang kinalabasan noon!” sabi ni Direk Perci.

Samantala, surprise raw ang partisipasyon ni Paolo bilang Trish sa Born Beautiful dahil sa Die Beautiful nga ay namatay na siya. Bakit kailangan pang ilihim ang partisipasyon ni Paolo sa Born Beautiful?

“Hahaha! Hindi naman, pero kung ano ang mga gagawing eksena ni Paolo sa Born Beautiful, abangan na lang nila! Ayaw na naming ikuwento pa!” say pa ni Direk Perci.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?