15

By

Patama ni Digong sa simbahan, delikado – Obispo

Sharing is caring!

“Ipagpasa-Diyos na lamang.”

Tugon iyan ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa pahayag ni Pangulong Duterte na paslangin ang mga obispo na wala umanong ginawa kundi ang siya ay punahin.

Ayon kay Santos, hindi siya natatakot sa nasabing banta na nagdudulot lamang ng pagkakawatak-watak ng mamamayan.

Aniya, walang puso at mapanganib ang nasabing pahayag ng pangulo.

“This is a very heartless statement, very harmful to all. Not only attacking the Church but dividing our country and showing that there is only hatred in his heart,” saad ni Bishop Santos sa isang panayam sa kanya sa isang himpilan ng radyo.

Pumalag din sa pag-atake ng Pangulo sa Simbahang Katoliko ang Sangguniang Laiko ng PIlipinas (Laiko), partikular na sa panawagan ng punong ehekutubo sa mga Pilipino na huwag nang magtungo sa simbahan.

Ayon kay Julieta Wasan, Presidente ng Laiko, ngayon ay panahon ng pagsubok para sa Simbahan.

Pero mas ngayon umano dapat na manindigan ang mga Katoliko para sa Panginoon at ipagtanggol ang kanilang pananampalataya.

“All the more now, let us renew our commitment to go and fill up our churches to worship and to thank God,” saad ni Wasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }