29

Dec 2, 2021 @ 11:12
By

Patafa rumesbak sa coach ni Obiena

Lalong lumalaki ang isyu sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at kampo ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

Ngayong Huwebes, itinanggi ni PATAFA president Philip Juico ang paratang ng coach ni Obiena na si Vitaly Petrov na pinuwersa niya itong sagutin ang ilang mga katanungan para palutangin na may sala si Obiena.

“Petrov was asked and he answered freely and even volunteered information. He was fully aware. He knows the truth,” pahayag ni Juico.

Ito ang resbak ni Juico sa sinabi ni Petrov na pinaikot siya ng Patafa para palabasin na may pagkukulang si Obiena sa pagbabayad ng kanyang sahod.

“I was tricked. I answered it that way because I honestly thought that it would help unburden EJ of his unnecessary role of managing my payments . . . I never could have imagined it would be used in the way it is used now as a weapon to destroy a promising career,” wika ni Petrov noong Miyerkoles.

“I mistakenly answered his questionnaire according to the way he wanted me to which is to make EJ Obiena look like a criminal,” dagdag pa niya.

Ang questionnaire na sinasabi ni Petro ay ang iprenesenta ng Patafa bilang basehan sa kanilang paratang na may mali sa pag-liquidate ni Obiena sa
kanyang allowance at sa pagbabayad kay Petrov. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?