31

Jan 6, 2022 @ 16:19

Patafa babawiin muna desisyon vs Obiena

Nagdesisyon ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na huwag munang ipataw ang nauna nilang rekomendasyon na tanggalin sa national team si EJ Obiena.

Matatandaang inilabas ng Patafa ang ilang rekomendasyon, kabilang dito ang pagkakasipa kay Obiena sa national team, pagsampa ng kasong estafa laban sa pole vaulter, pagreklamo sa kanyang coach na si Vitaly Petrov, at pagdeklara sa kanyang adviser na si James Lafferty bilang persona non grata.

Ngunit matapos pumagitna ang Palasyo at Philippine Sports Commission, nagdesisyon ang Patafa ngayong Huwebes na maghintay muna ng dalawang linggo bago ipataw ang kanilang mga rekomendasyon.

Ang mga paratang ng Patafa laban kay Obiena ay kaugnay pa rin sa ‘di niya pagpapasahod ng tama kay Petrov at paggasta ng mali sa kanyang allowance bilang atleta.

Noong Miyerkoles, sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na umaasa silang maaayos ng magkabilang kampo ang gusot.

Gayundin, iminungkahi ng PSC sa Patafa na hayaan muna si Obiena na isumite ang kanyang mga liquidation report at bigyan ang atleta ng ‘appeal mechanism.’ (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?