141

Feb 6, 2018 @ 15:41
By

Pata ni Jessy love ni Luis

Patawa naman ang response ni Jessy Mendiola sa basher niya tungkol sa kanyang ‘patatim’.

Sa picture kasi na pinost niya wearing a red dress na kita ang kanyang malaman na hita, may nag-comment na, ‘Parang malaki ang hita niya.’

Imbes na mapikon, kinorek pa ng dyowa ni Luis Manzano ang comment ng netizen.

“Hindi parang, malaki talaga siya. Ikaw naman!”

Hahaha! Oo nga naman. Non-issue na ito kay Jessy dahil noon pa man tanggap na niya na ganun na ang kanyang mga hita. Alangan namang idepensa pa niya ito, eh, kitang-kita naman ang ebidensiya, devah? At least, hindi si Denial Queen or Warla Queen.

Anyway ang importante ay labadabs siya ni Lucky at tanggap nito ang kanyang pagiging Pata Queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?