41

Apr 17, 2020 @ 20:21
By

Pasyenteng pauuwiin, kailangan pang mag-14 day home quarantine – Vergeire

Hindi na kailangan pang magpa-test uli bago umuwi ang mga pasyenteng gumaling na sa sintomas ng COVID-19.

Pero hindi porke’t nasa maayos nang kondisyon ay magpapakampante na dahil kailangan pang sumailalim sa 14-day home quarantine upang masigurong ligtas na sa virus.

“Maaaring pauwiin ang isang pasyenteng bumuti na ang kalagayan kahit wala pa pong negative test result subalit dapat sumailalim pa rin sa istriktong home quarantine sa loob ng 14 na araw,” pahayag ni DOH Sec. Ma. Rosario Vergeire.

Kapag nalampasan naman na aniya ang 2-linggong home quarantine ay may isa pang prosesong pagdaraanan bago masabing COVID free na.

“Pagkatapos po nito kailangan pa rin po niyang magpa-test gamit ang RT-PCR (real-time polymerase chain reaction) o kaya ‘yung approved o validated na rapid antibody test ng FDA,” dagdag pa nito base na rin sa guidelines ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?