16

Feb 5, 2021 @ 21:26
By

Pasyenteng may COVID-19 tumakas sa ospital, kalaboso

Dahil umano sa pagiging makasarili kaya napagdesisyunan ng isang judge sa Hong Kong na patawan ng parusang anim na buwan na pagkakakulong ang isang COVID-19 patient matapos nitong tumakas sa ospital sa gitna ng ikaapat na bugso ng coronavirus pandemic.

Binatikos ni Deputy Magistrate Tobias Cheng Yun-chung ang 63-anyos jobless na si Li dahil sa inasal nitong pagiging makasarili na naglagay sa peligro sa publiko, ayon sa South China Morning Post report.

Depensa ni Li sa Kowloon City Court, natakot siya sa turok ng bakuna at pagpapagamot.

Unang dinala si Li sa quarantine facility sa Penny’s Bay sa Lantau Island noong Disyembre 7, 2020 matapos mabatid na close contact siya ng isang kumpirmadong kaso.

Makalipas ang apat na araw ay na-test na positibo si Li at dinala sa Queen Elizabeth Hospital noong Disyembre 14 upang magamot.

Sinabihan siyang hindi maaaring umalis sa isolation ward nang walang paalam pero pumuslit pa rin ito noong Disyembre 18 habang nakasuot pa ng patient gown.

Samantala, nakalabas na siya sa ospital noong Disyembre 23 matapos mag-negative sa virus pero ngayon ay bagsak sa kulungan matapos mag-plead ng guilty sa kasong “exposing others to infection” na may parusang anim na buwan na pagkakakulong at multang HK$5,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?