224

By

Pasyente na may hinihinalang MERS-CoV minomonitor sa RITM

Kontrolado na umano ang sitwasyon matapos isang pasyente na may hinihinalang Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa nitong Miyerkoles.

Ayon sa Department of Health, unang dinala ang pasyente na nagtrabaho sa abroad, sa Laguna Doctors Hospital at agad na inilipat sa RITM dahil sa hinihinalang MERS-CoV.

Ang naturang pasyente umano ay ilalagay sa isolation room sa RITM.

Una umanong napabalita na namatay ang naturang pasyente dahil sa severe acute respiratory syndrome o SARS, na pinabulaanan ni DOH-Calabarzon director Dr. Edgardo Janairo sa panayam ng dzmm.

Aniya, sa kasalukuyan ay wala umanong kaso ng SARS o MERS‐CoV sa Pilipinas at nakabantay naman umano sila dahil kapag ang mga ito umano ang kumalat ay mahirap kontrolin.

Samantala, pansamantala umanong isinara ang emergency room ng Laguna Doctors Hospital kung saan unang itinakbo ang naturang pasyente para madekontamina.

Nanggaling umano ang SARS at MERS-CoV sa Hong Kong at China na kalaunan ay naitala na rin sa Middle East.

Ang mga ito umano ay nakahahawa na respiratory diseases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?