36
Pasturan nahirang na Player of the Week
Sep 2, 2019 @ 14:37
By

Pasturan nahirang na Player of the Week

Wala man si Jimboy Pasturan dahil sa shoulder injury at si suspended coach Tyrone Tang upang gabayan ang College of Saint Benilde (CSB) kontra Jose Rizal University nitong Biyernes sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019, nakabalik pa rin sa winning column ang Blazers nang pangunahan ni Justin Gutang.

Pumuntos ng 14 na may sahog pang 8 rebounds at 2 assists ang Fil-Am forward para tapusin ang laban sa kontra Heavy Bombers, 74-66, upang masolo ang 2nd spot sa sstandings standings sa 6-2.

Sapat ang pinakita ni Gutang upang maiboto siya nitong Linggo bilang Chooks-to-Go Collegiate Corps NCAA Player of the Week ng Agosto 25-31.

Asahang pangungunahang muli ni Gutang ang paparating na mga laro ng Taft-based cagers kontra Letran Knights sa Biyernes at magandang panapos ng CSB sa first round elims.

“We were really struggling and haven’t been playing well kahit sa practice. Hopefully, with this win, we can find our groove again,” wika ni deputy coach Charles Tiu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?