45

Sep 14, 2021 @ 16:03
By

Pastor walang pananampalataya sa bakuna, sapul ng COVID

Isa umanong 61-anyos na babaeng pastor sa Davao City na kontra sa pagbabakuna ang tinamaan ng COVID, ayon kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa isang panayam sa radyo noong Lunes, hindi na pinangalanan ni Mayor Sara ang simbahang kinaaniban ng pastor ngunit napag-alaman ng alkalde na ayaw nitong magpabakuna laban sa COVID at iniimpluwensyahan din ang iba na huwag magpaturok.

Severe case ng virus ang tumama sa pastor.

Dagdag pa ni Mayor Sara, may isa ng nasawi sa Davao City dahil sa COVID na ayaw magpabakuna dahil sa pananampalataya.

“We are reminding everyone, especially those who oppose vaccination due to their faith, that science cannot be found in the bible, because the bible only talks about our relationship with God. Our enemy right now is COVID-19, a virus which is not in the bible,” pahayag ng alkalde sa kanyang dayalekto.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ilang linggo matapos ang pagbabakuna ay tsaka pa lamang nakakabuo ang katawan ng mekanismo laban sa COVID.

Para naman sa Johns Hopkins University, ang bakuna ay ‘di lubos na makakalaban sa COVID ngunit malalabanan nito ang severe cases, pagkakaospital at pagkamatay dahil sa naturang virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?