115

Sep 11, 2021 @ 9:01
By

Pastor umamin, anak ginawang parausan

Arestado ang isang pastor matapos gawing sex slave ang sariling anak dahil umano sa pangungulila sa asawa na nasa malayo.

Agad pinosasan ang 47-anyos na hindi pinangalanang pastor matapos siyang ituro ng anak na nagparaos sa kanya, ayon sa 24 Oras report.

Nadiskubre umano ang krimen nang isang kaanak ang makapansin sa biktima na laging tulala.

Isiniwalat ng biktima ang panghahalay ng ama na humihingi raw ng sorry pero inuulit pa rin ang panggagahasa sa kanya.

Bukod doon, nagseselos din daw ang pastor kapag lumalabas ang biktima kaya kinukulong ito sa kuwarto.

Inamin ng suspek ang ilang beses na panggagahasa sa anak sa loob ng limang taon.

Nabatid ng Tuy, Batangas Police na lider ng isang religious group ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,