45

Jul 16, 2021 @ 20:24

Pastor na nanghalay ng batang church member timbog sa Zambales

Matapos makapagtago ng halos pitong taon, nadakip sa Botolan, Zambales ang pastor na umano’y ilang beses nanggahasa ng menor de edad na miyembro ng kanilang simbahan sa Oriental Mindoro.

Ayon sa ulat, natunton ang suspek na si Richard Elmin sa Barangay Palis noong Huwebes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 41 sa Oriental Mindoro noong 2015.

Nauna nang kinasuhan ng limang bilang ng rape nang walang piyansa si Elmin ng mga magulang ng biktima, na miyembro ng congregation sa Mindoro.

May iba pa umanong biktima ni Elmin ang naghain ng reklamo laban sa kanya.

Nakakulong na ang pastor sa Botolan Municipal Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?