374

By

Pastor ginawang sex slave si Nene

Sa Davao City Jail na ngayon magpa-pastor ang isang 76-anyos na lalaki makaraang hulihin sa kasong qualified rape at acts of lasciviousness makaraang paglaruan ang isang anim na taong gulang na batang babae na ngayon ay 14-anyos na sa Davao City.

Hindi na nakatanggi pa si Edwin A. Villarin, nang bagsakan ng kasong criminal na inusyu ni Judge Dante A. Baguio ng Regional Trial Court (RTC) Branch 12 sa Davao City.

Ito ay matapos ang pagpapatuloy ng kasong isinampa ng mga kaanak ng isang 14-anyos na batang babae na sinabing halos walong taon silang niluray ng kanilang kinikilalang pastor.

Ayon kay PSSupt. Alexander Tagum, Davao City Police Office (DCPO) director, inaresto si Villarin noong Pebrero 14 at hindi na nakatanggi pa nang ipakita ang arrest warrant na dala nina SPO1 Felipe Tiu Jr. at PO1 Julius Guardian mula sa San Pedro Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?