10
views

By

Pastor, chaplain mangunguna sa internal cleansing sa PNP

Sharing is caring!

Inutusan na ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde ang PNP Chaplain Service na pangunahan ang pagsasagawa ng internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Sr. Supt Benigno Durana na pinapatutukan ni Gen. Albayalde sa mga pastor at pari ng PNP Chaplain Service ay ang moral at spiritual reformation ng mga pulis.

Hinimok rin aniya ni Albalyalde ang pamunuan ng PNP Chaplain Service na makipagugnayan sa lahat ng simbahan, at para churches organization sa buong bansa upang makiisa sa internal cleansing program.

Nilinaw rin aniya ni Albayalde na ang internal cleansing program sa PNP ay hindi para bigyan lang ng parusa ang mga tiwaling pulis sa halip maibalik ang moral at values ng mga tiwaling pulis.

Sinabi pa ni Durana. na ayon kay General Albayalde, anuman ang relihiyon o paniniwala ng bawat pulis iisang Dyos lang ang ating sinasamba at paglapit o pagkakaroon ng relasyon sa panginoon ang sikreto sa pagiging matagumpay sa buhay.

“In every endeavor, particularly in performing police duties, God’s intervention and graces are the secret of our success. No matter how prepared and ready we are on a certain task if without God’s blessings and grace, our success seem incomplete.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?