23

Feb 5, 2021 @ 18:52
By

Passport Revolving Fund ng DFA naubos – De Lima

Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila de Lima ang napaulat na pagkaubos diumano ng Passport Revolving Fund (PRF) ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa Senate Resolution No. 629 na inihain ni De Lima, nais nitong pasiyasat sa Senado kung may katotohanan ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kanyang Twitter noong Enero 21 kung saan ibinunyag nitong ubos na ang buong PRF ng DFA.

Dahil sa pagkaubos ng PRF fund, nangako si Locsin na babawasan ang foreign travel para mapunuan ang revolving fund ng ahensiya.

Ayon kay De Lima, ang pag-amin ni Locsin na ginamit ang PRF para sa travel allowance ay malinaw na paglabag sa Philippine Passport Act of 1996, na nagbabawal sa paggamit ng PRF para sa travel, transportation allowances at expenses.

“A thorough investigation on the depletion of the PRF, which has been particularly earmarked for specific purposes under the law, must be made in order to determine the validity of acts that led to the utilization thereof for purposes other than that contemplated by the law, and to hold accountable those responsible for the violation of the law,” sabi ni De Lima.

Aniya, ang pagdinig ng Senado ay magbibigay-babala sa DFA at ibang ahensiya ng gobyerno at government-owned and controlled corporation (GOCC) laban sa paggamit ng public fund.

“As public accountability demands, the DFA must justify why they opted to utilize the PRF for travel expenses when the law explicitly prohibits the same,” sabi ni De Lima.

Sabi pa ni De Lima, kailangan umanong malaman ang tunay na dahilan ng pagkaubos ng PRF ng DFA at alamin ang mga batas na nalabag at mga taong lumabag dito.

“The said acts that led to the depletion of the PRF be conducted, and that a stern warning be given in order to prevent the repetition of the wrongful disbursement of public funds and the deflection of the same to any improper purpose,” sabi ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?