57

Feb 10, 2018 @ 14:04

Passport planong dagdagan ng pahina ng DFA

Bukod sa pinalawig na bisa ng passport, pinaplano na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dagdagan ng pahina ang pasaporte mula sa kasalukuyang 44 ay gawin itong 64.

Sa ulat ng DZMM, sinabi ni DFA Assistant Sec. Frank Cimafranca, target nilang ipatupad ito ngayong taon pero posibleng tumaas ang presyo ng pagkuha ng passport.

Kailangan din aniyang dumaan ito sa Kongreso dahil mangangailangan sila ng dagdag na pondo para matupad ang plano.

“Well hopefully will be able to implement it within the year. Pero ang kuwan natin is ah, you know, we have to convince of course Congress. Kasi ‘yung cost ng passport will increase. ‘Yung cost not necessarily double pero kung magtaas ‘yung cost ng passport mamahal din ‘yung singil namin,” paliwanag ni Cimafranca.

Plano rin ng DFA na huwag munang mag-renew ng passport ang mga may hawak nito na may bisa pa mula sampung buwan o mahigit pa para maiwasan ang pagdagsa ng aplikasyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?