43
abante-tnt-vismin-japan-passport

Passport ng Japan, petmalu sa buong mundo

Sharing is caring!

Tinalo ng Japan ang dating nasa tuktok na Singapore at Germany kaugnay sa kanilang pasaporte.

Sa pinakabagong edisyon ng Henley Passport Index, ang Japan na ngayon ang may “world’s most powerful passport” dahil sa pagkakaroon nito ng visa-free access sa may 189 destinasyon sa buong mundo.

Nalaglag ang Germany at Singapore sa ikalawang puwesto na mayroong 188 destinasyon.

Ito umano ay dahil sa lumalakas na Asian nations dahil sa international trade at diplomatic relations.

Tumalon din sa ranking ang China matapos makakuha ng access sa Bosnia, Herzegovina at sa United Arab Emirates (UAE).

Samantala, mula sa pagiging ika-38, rumagasa ang UAE sa ika-23 puwesto matapos magkaroon ng visa-free sa China, Ireland, Burkina Faso, Uruguay, Guinea, Tonga, Benin at Honduras.

Nasa ika-70 posisyon ang Pilipinas kasama ang Azerbaijan, Dominican Republic at Tunisia.

Kapwa naman nasa laylayan ang Iraq at Afghanistan sa ika-100.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?