23

By

Passport data loss, banta sa seguridad ng bansa – PNP

Isang national security threat umano ang nangyaring pagtangay sa lahat ng data ng passport holders, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

“Puwede. Kasi napakarami niyan. Not only the threat to national security but also the threat of our identities. Napakarami na Pilipino na kumuha ng passport. Nandoon lahat ng iyong information. That is one threat,” ani Albayalde nang matanong kung banta sa seguridad ng bansa ang naturang passport data loss.

Ang pahayag ng hepe ay kaugnay sa pagbunyag noong Sabado ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na “pagtakbo” ng dati nilang contractor ng lahat ng personal data ng passport holders matapos umanong mainis nang i-terminate ang kanilang kontrata.

Handa umano ang PNP na tumulong sa kaso pero sa ngayon ay naghihintay pa sila ng formal request mula sa DFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?