56
ABANTE winnie winston castelo suporta tokhang relaunch
By

Passport data breach, di dapat mangyari sa National ID – Castelo

Naalarma si Quezon City Rep. Winston Castelo sa nadiskubreng pagtangay ng passport contractor sa datos ng mga aplikante ng pasaporte.

Kinuwestyon ni Castelo kung kailan pa ito nangyari at kung bakit walang opisyal na pahayag ang Department of Foreign Affairs hinggil sa bagay na ito maliban sa social media.

“The DFA should inform the public about who this private contractor is, the company or individuals behind it, and how it intends to file charges against whoever they may be, and ensure that they are penalized for their actions” giit ni Castelo.

Binigyang diin ng kongresista na na dapat kumilos ang DFA dahil seryosong usapin ito na sangkot ang privacy ng maraming indibidwal at maging ang seguridad ng bansa.

Kasunod nito ay pinatitiyak naman ni Castelo sa Philippine Statistics Authority (PSA), National Privacy Commission (NPC), at iba pang kaukulang ahensya na hindi mangyayari ang kahalintulad na data breach sa national identification system.

“The Philippine Statistics Authority (PSA), the National Privacy Commission (NPC), as well as other concerned agencies, as they prepare for the rollout of the national identification system, should make sure that this kind of data loss will never happen,” sabi ni Castelo.

Sa ilalim ng ipatutupad na national ID system, oobligahin ang bawat Pilipino na magkaroon ng “Filipino ID card” na maglalaman ng mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at tirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?