8
cancelled
By

Passport appointments sa Mayo 14 kanselado

Sharing is caring!

Matapos ideklara ng Malakanyang na special non-working day sa susunod na Lunes, Mayo 14, inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang lahat ng kanilang satellite at consular offices sa nasabing petsa.

Sa Mayo 14 magaganap ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ng DFA-Office of Consular Affairs, ang lahat ng mga may kumpirmadong passport appointments sa naturang araw ay tatanggapin mula Mayo 15 hanggang Mayo 25, maliban sa mga araw ng Sabado.

Idinagdag din na maaaring limitahan ang slots para sa mga walk-in applicants, gaya ng senior citizens, persons with disabilities, solo parents at mga bata na may edad pito pababa, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga aplikante na naapektuhan ng isang araw na pagsasara.

Samantala, inabisuhan din ang May 14 applicants na magdala ng printout ng kanilang confirmed appointments at iba pang requirements para sa kanilang passport application.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?