26

Oct 15, 2017 @ 18:06

Passport appointments kanselado sa transport strike

Bukas hanggang sa darating na Oktubre 30 pa maaaring ipa-schedule ng mga passport applicant ang kanilang appointments, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos ianunsiyo ng DFA Office of Consular Affairs na sarado ang OCA-Oceana at ang lahat ng consular office sa buong bansa bunsod ng transport strike.

Ayon sa abiso ng DFA-OCA, hindi na kailangan pa ng bagong appointment ng mga passport applicant at sila ay maaaring magtungo sa original site ng kanilang appointment.

Bukas ang DFA-Oceana sa Parañaque City mula Lunes hanggang Biyernes samantalang ang mall-based consular offices ay bukas mula Lunes hanggang Sabado. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?